Martes, Nobyembre 15, 2011

SANA NOON PA LANG...

                Lumilipas ang araw nang hindi ko namamalayan.. Ilang oras, araw, buwan at taon na pala akong naghihintatay sa wala. Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. Tuluyan na sigurong nalason ang puso't isip ko sa kaiisip sa IYO... Bakit ba ang hirap mong kalimutan?? Maraming tao na ang dumaan sa buhay ko at sumubok na pumasok sa puso ko ngunit IKAW pa rin ang tanging isinisigaw nito.. Tama pa ba ito??? Nasasaktan na pala ako!!

               Sa tuwing naaalala ko ang masaya nating nakaraan, ngiti sa aking labi ay hindi magkamayaw.. Ngunit habang tumatagal at naiisip kong hindi na ito maaaring maibalik. ANg mukha kong kaninay sayang-saya ngayo'y luha na ang makikita  kasabay ang pagkirot mula sa aking dibdib..

                 Wala akong lakas ng loob noon na sabihing mahal rin kita!!! Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya sa tuwing lalapit ka at sasabihin ang matatamis na mga salita at pagpapakita mo kung gaano ako ka-importante sayo.. Pasensya na kung hindi ko agad nasabi sayo noong una pa lang..Hindi ko lang alam kung panu ito simulan..  Hindi ko alam kung itunulak kita papalayo sa mga biro kong hindi kita mahal, at kaibagan lang ang tangi kong tingin sayo, ngunit sana pinakinggan mo ang puso ko na tanging pangalan mo lang ang isinisigaw nito..

                   Kaya ngayon nasasaktan na ako na sana noon pa lang inamin ko na sayo.. Alam kong nasaktan ka rin sa mga ginawa ko.. Hindi mo alam hanggang ngayon dumadalangin ako na sanay ibalik ang nakaraan at ituwid ko ang aking kamalian na itninangging mahal rin kita...

                  Lagi kong tinitingnan ang facebook mo.. "I miss you" ang tanging nabibitiwan ng labi ko.. Marami ka nang nakilalang mga tao, marami ng nagpapasaya sayo at alam ko isa sa mga taong kasama mo ngayon ay sya ng nagpapatibok ng puso mo.. :'(

                   Nang tuluyan ka na ngang lumayo sa akin labis na paghihinagpis ang aking nararamdaman at buong pagsisising sinasabi na, 'SANA NOON PA LANG iningatan ko na kung anung relasyon meron tayong dalawa kahit ang tawag lang natin dito ay KAIBIGAN at ang mga puso natin ang NAG-IIBIGAN'

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento