Lunes, Nobyembre 21, 2011

Bagong Pananaw..

                   MArami akong napagtanto noong araw ng linggo, makakatulong rin pala kung makikinig ka sa mga opinyon ng mga lalaki... Noon ang ala ko kapag tinanong ka ng isang lalaki kung "pwede bang manligaw" at ang sagot mo rito ay "oo" ang ibig sabihin nito ay parang sinagot mo na sya, pero hindi pla . Humihingi lng pala sila ng permiso nito.. Ang sa akin kasi noon, wag ka ng magsalita gawin mo na lang. pero naalala ko na "Actions speak louder than words but actions without words are confusing" tama nga naman....
                    At ito pa, nagset ako ng mga standard ng isang lalaki na balang araw ay DAPAT maging kasama ko habang buhay, pero sabi ni ate Daye lahat ng taong nagset ng mga standard walang natutupad isa mandoon.. Sa mga standard na ginawa ng ibang tao (especially girls) some PART of it meron yung lalaking napunta sa kanila pero hindi lahat nag qualification nakuha nila maybe 1/4 or 1/2 but never nakuha lahat ng mga babae ang 100 percent na gusto nila sa isang lalaki.. Wala namang perpekto di ba.. KAsi isang tao lang ang nasa kanya na lahat, si JESUS lang yun. Kaya ngayon maghihintay na lang ako kung sino ang ipagkaloob ni LOrd sa aki.
                      Hindi ko na rin kailang ipagpilitan ang sarili ko na si __________ dapat.. Maybe He's really not for me and I'm not really for him.. OMG ngayon ko lang narealize.. Ilang taon na ba ang nakalipas?? Isa, Dalawa, TATLO!! waaahaaaaaaat?? Three years na pala akong nagpapakabaliw sa isang lalaki.. wahahaha.. Ok lang Hindi nya naman alam yun... Ung mga close friend ko lang naman ang nakakaalam na nagpapkabaliw ako sa kanya.. wahahaha... Ngayon, MAS magfofocuse ako sa study.. magiging professional muna ako at isang araw tatawagin na akong ENGR. SARAH JANE DE BELEN!!. YAHOOOOOOOOOO!!

Huwebes, Nobyembre 17, 2011

hmmm... Nakakapagod..

        Gabi na at malapit ng matpos ang araw ng Huwebes.. Medyo nakaka-stress ang araw na ito.. Maraming Bagay na nakakapagod isipin.. Sa araw ring itong nasagupa na naman namin ang isa sa mababagsik na professor ngayong second sem.. May pagka-terror at kung minsan nga nagpapahiya ng estudyante.. Pero kung tutuusin magaling naman sya magturo at marami naman kaming natutunuan, pero sana konting bait pa..
          Sya lang ang pinasukan namin ngayong araw na ito, hindi kasi pumasok ang prof namin sa Basic electrical Eng'g, kaya para hindi masayang ang araw ay sinamantala ng buong section namin upang makapunta sa Rizal PArk.. Isa lang ang Rizal Park sa required na mga pupuntahan namin para sa subject na Rizal, nakakapagod mag-ikot at magpatatak upang mapatunayan lang sa makulit namin professor na nagpunta nga kami sa mga pinagsasasabi nyang lugar... Mapagod pero okay lang kasi sa pagpapasyal sa mga lugar na ito, nako-commemorate namin ang pambansang Bayani. (hansaaaaaaaaaveeeeeeeeehhhh??? makabayan kami!!) Next destination namin ang Fort Santiago at sunod naman ang Calamaba, para makita ang Bahay na BAto
           Hindi pa dito natatapos, kelangan din namin panuoorin ang talambuhay ni Rizal para sa Quizz namin bukas. In fairness twice ko itong pinanood para lubos kong maunawaan.. Sumakit ang mata ko.. Wooooh! good LUCK sa exam BUKAS!!!

------> (BORN TO LOVE HIM)<--Baller bracelet  from Rizal Park.. natuwa lang ako sa nakalagay dito kaya, I grabbed it!! 

Martes, Nobyembre 15, 2011

SANA NOON PA LANG...

                Lumilipas ang araw nang hindi ko namamalayan.. Ilang oras, araw, buwan at taon na pala akong naghihintatay sa wala. Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. Tuluyan na sigurong nalason ang puso't isip ko sa kaiisip sa IYO... Bakit ba ang hirap mong kalimutan?? Maraming tao na ang dumaan sa buhay ko at sumubok na pumasok sa puso ko ngunit IKAW pa rin ang tanging isinisigaw nito.. Tama pa ba ito??? Nasasaktan na pala ako!!

               Sa tuwing naaalala ko ang masaya nating nakaraan, ngiti sa aking labi ay hindi magkamayaw.. Ngunit habang tumatagal at naiisip kong hindi na ito maaaring maibalik. ANg mukha kong kaninay sayang-saya ngayo'y luha na ang makikita  kasabay ang pagkirot mula sa aking dibdib..

                 Wala akong lakas ng loob noon na sabihing mahal rin kita!!! Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya sa tuwing lalapit ka at sasabihin ang matatamis na mga salita at pagpapakita mo kung gaano ako ka-importante sayo.. Pasensya na kung hindi ko agad nasabi sayo noong una pa lang..Hindi ko lang alam kung panu ito simulan..  Hindi ko alam kung itunulak kita papalayo sa mga biro kong hindi kita mahal, at kaibagan lang ang tangi kong tingin sayo, ngunit sana pinakinggan mo ang puso ko na tanging pangalan mo lang ang isinisigaw nito..

                   Kaya ngayon nasasaktan na ako na sana noon pa lang inamin ko na sayo.. Alam kong nasaktan ka rin sa mga ginawa ko.. Hindi mo alam hanggang ngayon dumadalangin ako na sanay ibalik ang nakaraan at ituwid ko ang aking kamalian na itninangging mahal rin kita...

                  Lagi kong tinitingnan ang facebook mo.. "I miss you" ang tanging nabibitiwan ng labi ko.. Marami ka nang nakilalang mga tao, marami ng nagpapasaya sayo at alam ko isa sa mga taong kasama mo ngayon ay sya ng nagpapatibok ng puso mo.. :'(

                   Nang tuluyan ka na ngang lumayo sa akin labis na paghihinagpis ang aking nararamdaman at buong pagsisising sinasabi na, 'SANA NOON PA LANG iningatan ko na kung anung relasyon meron tayong dalawa kahit ang tawag lang natin dito ay KAIBIGAN at ang mga puso natin ang NAG-IIBIGAN'